SOURCE:wagasmalaya.blogspot.comShare
bsn1dvisayas.multiply.comShare
SAGISAG NG PAGKAKAISA
MGA BAYANING NAGMULAT TUNGO SA PAGKAKAISA
PAGKAKAISA NG MGA PILIPINO
Pilipino ay maraming magagandang katangian
Na ang iba ay mana pa sa kulturang nakagisnan
Isa rito yaong ating kung tawagi'y Bayanihan
Na kung saan bawat isa'y bukas-palad sa pagdamay.
Ang ugaling ito'y bukal at likas sa ating dugo
Handa tayong makiisa saan man tayo magtungo
Mababa ang ating loob, malambot ang ating puso
Lalo't kapwa natin Pinoy ang lumapit, nagsumamo.
Dahil dito'y buo pa rin yaring aking paniwala
Kaya nating magkaisa sa halip na magkasira
Kaya nating magkabuklod sa dakilang ninanasa
Lalo na kung dangal nitong ating lahi'y nakataya!
No comments:
Post a Comment